hindi mali ang umasa chapter 2

r.jpg
pinagkunan

Nakaupo si Xian sa loob ng room. Pinagmasdan ang grupo ni Mera at Anton na para bang ang saya nila na nagkukukwentuhan. Kunwari nagbabasa ng libro pero ang mata'y andoon sa iba nakatingin. Napansin nyang
magkasama muli si Yuy at Mera. Wala na pa lang problema kasi nagtatawanan na sila. Sa pagmamasid ni Xian napaisip sya at tinatanong ang sarili.

"Ano ba'ng mayroon kung laging magkakasama sa kaibigan mo. Tunay ba talaga sila'ng magkaibigan? Wala kaya'ng mang-iiwan sa oras ng kagipitan. Ano ba'ng kaibahan kung paligayahin mo ang sarili mo'ng mag-isa. Makakasiguro ka pa na wala kang masasaktan. Tatawa ka'ng mag-isa at maliit anga tsansa na iiyak ka dahil wala kang binubuong relasyon. Bakit ka iiyak kung wala namang nanakit sa feelings mo. Mga kabataan ngayon niloloko ang mga sarili nila."

Tumayo si Xian at para umuwi na. Nasa labas sya ng gate ng may tumawag sa kanya. Huminto sya at lumingon. Paglingon nya ay sina Yuy at Kim. Pagkakita nya sa dalawa biglang sumimangot ang kanyang mukha at lumingon pabalik sa harapan nya. Ang mukha ni Xian ay parang dismayado. Napansin ito ni Yuy sa malayo kaya nagmamadali silang maglakad patungo kay Xian. Ngunit huminto si Xian sa paglalakad at lumingon sa dalawa noong papalapit na sila. Humarap si Xian sa kina Yuy at Kim at sa pagharap nya seryoso ang mukha nito. Para ba'ng may nakita sya sa likod ng dalawang babae. Na curios ang dalawa dahil seryosong seryoso ang mukha ni Xian. Hindi nila napigilang lingonin kung ano'ng nakikita ni Xian. Dahan dahan na lumingon ang dalawa, sa paglingon nila'y wala namang andoon. Hinanap nila ito sa kanilang mata kung anong nakita ni Xian. Napansin nila'ng niloloko lang sila ni Xian kaya lumingon ulit sila kay Xian. Asar na asar si Yuy sa ginawa ng binata.

"IKAW TALAGA XI......"

Wala na si Xian paglingon nila at mabilis na tumakbo. Hinabol ito ni Yuy dahil may sasabihin sana kaso naiwan si Kim kaya binalikan nya ito at naglakad nalang sila sa paghabol kay Xian.

"HUMANDA SA AKIN ANG XIAN NA YAN KAPAG NAKITA KO!"

Galit na galit na sabi ni Yuy habang naglalakad.

Ngumingiti si Xian habang tumakbo. Noong hindi na nya nakita sila Yuy at Kim huminto ito. Sa paghinto nya nakita nya si Jacky ang dating crush nya sa kabataan nya. Iiwas na sana sya ng biglang tinawag ni Jacky.

"Oi Xian..."

Lumapit si Jacky sakanya.

"Si Xian nga."

Sa paglapit ni Jacky bigla siyang tumatawa at humarap sa mga kaibigan nya. Iba ang mga tawa ni Jacky at kasama nya, halong pangungutya. Lumapit din pang mga kasama nya at mga dating kaklase nya. Iba ang mga tingin nila kay Xian kaya tumalikod sya dito.

"Sya nga pala Xian sa U.P. ka pala nag-aaral. Alam ko namang matalino ka eh."

Sabi ni Jacky at lumingon sa mga kasama na nagtatawanan. Hindi na maganda ang awra ng paligid ni Xian. AAkma na sana sya'ng lalakad ng biglang nagtanong si Jacky.

"Balita ko andyan si Anton."

Nabasa na ni Xian kung ano'ng gusto ni Jacky kaya binulong nya sa sarili nya.

"Alam ko na, si mr. nice guy pala, ano pa nga ba."

Ngumiti lang sya at inunahan nya si Jacky.

"Kaklase ko sya...."

"Talaga Xian, ipakilala mo naman kami sakanya. Magkaibigan naman tayo, diba? diba mga girls magkaibigan kami ni Xian?"

Lumingon si Jacky at nagtatawanan silang lahat. Naereta si Xian at biglang naalala ang naranasan nya kay Jacky kaya nagsasalita sya sa sarili nya.

"Kaibigan? haha oo, magkaibigan tayo. Niyaya mo ako'ng lumabas dati pero bigla kang bumalik at binawi ito. Sa pagbawi mo sinabihan mo pa ako'ng katuwaan lang ng barkada. Kitang kita ko ang mga mata nilang puro pangungutya. May isang beses din na binulongan mo ako na lalabas tayo kaya nasurprise ako at bigla kitang tinanong kung kailan. Tumawa kang bigla at tumayo, hindi ka pa nakontento at pinagsagawan mo pa ang salitang hindi ko naman sinabi. SI XIAN DAW GUSTONG LUMABAS KAMI. Tuwang tuwa kayo noon at ako nama'y hiyang hiya. Hindi na ako nagsalita dahil ang lakas na ng inyong mga tawa. Tama naging kaibigan nga tayo."

Sumagot si Xian na nagkukunwaring ngumiti.

"Oo, sasabihin ko sakanya."

"Sabi naman sa inyo magkaibigan kami ni Xian eh."

Patuloy ang kanilang mga tawa na nakakabingi. Ngunit balewala na sakanya ito dahil tapos na sya ganitong pakiramdam. Hindi napansin ni Xian na narinig pala ni Kim at Yuy ang pangungutya ng mga babae. Pinagmasdan ni Yuy si Xian na parang naiiyak kaso hindi malakas ang loob ni Yuy sa ganito. Si Kim naman naeereta sa reaksyon ni Yuy kaya hindi ito nakapagpigil.

ro.jpg
pinagkunan

**"HALA YUY!! Andito pala ang mga babaeng feeling maganda. Tingnan mo naman ang make up ang kapal kapal pa.

Nagsalita si Kim at napalingon si Xian. Natahimik ang mga babae habang napahiya ito dahil kilala nila kung gaano kayaman ang pamilya nito. Kilala rin ito sa pagiging maganda at maatalino. Dahan dahan na nagsialisan ang mga babae na hiyang hiya sa sarili. "Yong iba gusto'ng lumaban pero may bumobulong.

"Hoy si Kim yan, hindi basta basta ang pamilya nyan."

"Bago kayo magaganyan tingnan nyo muna mga sarili nyo, natatawa ako sa kamangmangan nyo."

Patuloy na nagsalita sa Kim habang umaalis ang mga babae. Si Xian naman ay hindi nagpaalam na umalis. Biglang nanliit ang tingin ni Xian sa sarili nya at bigla itong nakaramdam ng hiya sa sarili.

"Xian......"

Tinawag ni Yuy si Xian pero nakita nya ang mukha na parang napahiya ito kaya hindi na lang nya ito kinulit.

Naraating ni Xian ang ang dalampasigan. Gusto nya'ng tumambay dito para mailabas ang nararamdaman. Sumisikip ang dibdib nya at hindi nya alam kung ano'ng nararamdamn nya. Para ba'ng bumalik sa isipan nya ang mga pait na nangyari sa kahapon. Sumigaw sya ng sumigaw kaharap ang dagat pero hindi tumotulo ang mga luha nya. Nagsasalita sya'ng mag-isa sa dagat.

"SINO BA'NG MAY SABI NA KAAWAAN NYO AKO. HINDI AKO NAAPEKTOHAN SA MGA GANYANG BAGAY. GAGO HINDI KO KAILANGAN NG TULONG. MATALINO AKO KAYA ALAM KO KUNG PAANO DALHIN ANG EMOSYON KO."

Umuwi si Xian na hindi pa rin mawala sa isipan nya ang nangyari na dumaan kanina.
Patuloy ang mga katanongan sa isipan nya.

rom.jpg
pinagkunan

"Mukha ba talaga ako'ng nakakaawa? Hindi ba pwede'ng ayoko lang silang patulan dahil mga mababang uri sila ng nilalang para sa'kin."

Natapos ang gabi na puro katanungan ang nasa isipan ni Xian. Kinaumagahan sa skwelahan ay hindi pumasok si Xian. Nag-alala si Yuy dahil wala si Xian. Alam nyang nasaktan si Xian sa nangyari kahapon. Hindi mapakali si Yuy dahil dito kaya pinuntahan nya si Kim.

"Kim hindi pumasok si Xian ngayon."

"Naku baka may importanteng dahilan lang, hindi na 'yon tatablan ng mga pang-iinsulto."

Hindi pa rin mapakali si Yuy dahil nakita nya kung ano ang expression ng mukha ni Xian kahapon. Sigurado si Yuy na nasaktan talaga 'yon kaya pinilit nya si Kim.

"Puntahan natin sya mamaya pagkatapos ng klase sa bahay nila Kim."

"HAAAAA???!!!"

itutuloy every saturday...

@mrnightmare89/hindi-mali-ang-umasa-romcom

@jurich60 may dugtong na, mention kita kasi sabi mo at baka gusto mong mabasa an kasunod.

H2
H3
H4
Upload from PC
Video gallery
3 columns
2 columns
1 column
2 Comments